Sisimulan na ang konstruksyon sa karagdagang Super Health Center sa Maynila.
Isinagawa kaninang umaga ang ground breaking sa Maria Clara Health Center sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa Manila LGU, kumpleto sa kagamitan ang nasabing Super Health Center na inaasahang matatapos ng mas maaga sa loob ng 3 taon.
Kabilang na ang Laboratory, ECG, Ultrasound, X-Ray at sa kauna-unahang pagkakataon ay posibleng magkakakaroon ng CT scan.
Sa loob ng higit sa 2 taon maraming Super Health Center ang naitayo sa Lungsod ng Maynila. Meron sa:
- Aurora District 1
- Tayabas District 2
- Tayabas District 3 (2)
- Lanuza
- San Sebastian
- Pedro Gil District 5
- Isidro Mendoza
| ulat ni DK Zarate