Bumababa na ang kaso jg dengue sa lungsod ng Malabon sa huling apat na linggo.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, dahil ito sa pinaigting na paglilinis
at mga community clean-up drive ng lokal na pamahalaan.
Malaking ambag din ang tulong ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), barangay officials, at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Batay sa datos ng Malabon City Epidemiology and Surveillance Unit, mula Enero 1 hanggang Marso 15, 2025, may 394 kaso ng dengue ang naitala sa lungsod.
Pinakaapektado sa sakit ang mga kabataan may edad mula 10 hanggang 14 na taong gulang.
Mayroong 1% ng kaso ang pumanaw dahil sa sakit.
Paalala pa ng alkalde na huwag magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa dengue.
Naglabas ito ng pahayag kasunod ng isang fake news na sinsabing higit pitumpu na ang nasawi sa dengue at posibleng magdeklara ng dengue outbreak ang pamahalaang lungsod. | ulat ni Rey Ferrer