Opisyal nang dineklara ng Kitaotao local government ang bayan ng Kitaotao bilang insurgency-free noong March 14, 2025, sa isang makasaysayang seremonya na ginanap sa municipal gym ng bayan na nasa lalawigan ng Bukidnon.
Ang achievement na ito ay naging posible sa pamamagitan ng pinagsanib na pagsisikap ng iba’t ibang local at national agencies, na nagpapabilis sa katuparan ng ipinangako sa kumunidad na pangmatagalang kapayapaan at progreso.
Ang mga kilalang attendees ay kinabilangan nila Department of the Interior and Local Government (DILG) Region X Regional Director Bruce A. Colao; Kitaotao Municipal Mayor Edwin Abucayan; 1003rd Brigade Infantry commander Bgen. Marion T. Angcao; 48 Infantry Battalion commanding officer Ltc. Gilbert F. Gomez INF (GSC); Davao Police Regional Deputy on Operations Lt Col Martin M. Gamba; at Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR) Datu Cosme M. Lambayun.
Ayon sa militar, ang deklarasyon na ito ay tanda ng mahalagang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran para sa mga mamamayan ng bayan ng Kitaotao. | ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao