Pinagtibay ng Supreme Court ang hatol laban sa lalaking nangmolestiya ng menor de edad na kapitbahay.
Sa desisyon ng SC na sinulat ni Associate Justice Henri Paul, iginiit na ang pagiging bata ng isang biktima ng pangmomolestiya ay maaring batayan sa kaniyang testimonya.
Sinabi pa ng SC na ang pagiging bata ng biktima ang pinagbatayan ng kaniyang pagsasabi ng totoo at sincere lalo na’t wala naman itong mapapala kung hindi totoo ang kaniyang testimonya.
Bagama’t itinanggi ng salarin ang alegasyon, hinatulan itong guilty ng Regional Trial Court at Court of Appeals sa kasong Acts of lasciviousness sa ilalim ng Revised Penal Code.
Pinagtibay din ng Korte Suprema ang hatol dahil napatunayang malinaw, kapani-paniwala at suportado ng kapatid ang salaysay ng biktima.
Sa salaysay ng biktima, natutulog siya ng gawin ng salarin ang krimen.
Agad naman siyang nakahingi ng tulong mula sa kapatid.
Sa hatol ng Supreme Court, walo hanggang labingpitong taon na pagkakakulong bukod pa sa utos na magbayad ng ₱165,000 bilang danyos. | ulat ni DK Zarate