Binigyang diin ni Senadora Grace Poe ang kahalagahan ng papel ng print media bilang maaasahang mapagkukunan ng impormasyon sa gitna ng paglaganap ng fake news.
Ayon kay Poe, nananatiling mahalaga ang print media dahil maituturing itong ‘bastion of accountability at responsibility’ sa mabilis na mundo ng digital age.
Pinunto ng senadora na habang ang social media ay nakaangkla sa bilis at pagiging viral, ang traditional print journalism ay nakaayon sa ethical practices, lalo na ang fact-checking.
Napatunayan na aniya ng print at broadcast outlets ay mas matatag sa mga akusasyon ng misinformation kumpara sa mga digital platforms at social media.
Gayunpaman, kinilala rin naman ni Poe ang impluwensya ng digital platforms gaya ng Facebook at Tiktok sa paghubog ng opinyon ng publiko, consumer behavior, at maging resulta ng eleksyon.
Kaya naman binigyang diin ng senadora ang responsdibilidad ng lahat para sa pagpapalaganap ng tama at makatotohanang impormasyon, mapa-mamamahayag man, bloggers, o ordinaryong mamamayan. | ulat ni Nimfa Asuncion