Pormal nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang Pamanang Nakakaproud 2025 nitong Sabado, March 22, sa Muntinlupa Sport Center.
Layunin ng programang ito na isulong ang kalinisan, kaayusan, at pagpapahalaga sa kultura ng lungsod.
Sa pangunguna ng Environmental Cluster, hinihikayat ang mga subdibisyon na mapanatili at pagandahin ang kanilang mga komunidad.
Ayon kay City Administrator Engr. Allan Cachuela, ang aktibong pakikiisa ng mga mamamayan ay patunay na ang #MuntinlupaNakakaproud ay hindi lang isang hashtag, kundi isang tunay na adhikain.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang nagpapataas sa kalidad ng buhay ng bawat Muntinlupeño, alinsunod sa 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon, lalo na sa aspeto ng kaayusan at kalinisan. | ulat ni Lorenz Tanjoco