Pinapayagan ngayong Biyernes ang Alternative Delivery Mode at limited face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City.
Rekomendasyon ito ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) dahil sa inaasahang mataas na heat index sa lungsod ngayong araw.
Ayon sa datos ng iRISE-UP, maaaring umabot sa 40°C ang heat index sa QC na may babalang EXTREME CAUTION.
Kabilang naman sa pasok sa limitadong F2F classes ang mga Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1-12, at Alternative Learning System sa lungsod.
Ipinauubaya naman sa mga pribadong paaralan at Higher Education Institutions (HEIs) ang pagpapasya sa paggamit ng alternatibong pamamaraan ng pag-aaral dahil sa matinding init. | ulat ni Merry Ann Bastasa