Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang mga negosyo at residente na makiisa sa Earth Hour 2025 sa Sabado, March 22, mula 8:30 PM hanggang 9:30 PM.
Pangungunahan ng Quezon City LGU ang ceremonial switch-off sa Robinsons Magnolia bilang bahagi ng selebrasyon.
Magkakaroon din ng iba’t ibang aktibidad tulad ng interactive exhibits, sustainability talks, at espesyal na screening ng isang pelikula kaugnay sa aktibidad.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang simpleng pagpapatay ng ilaw ay hindi lang paraan ng pagtitipid ng enerhiya kundi isang simbolo ng paninindigan laban sa tumataas na greenhouse gas emissions na nagpapalala sa climate change.
Dagdag pa niya, ang pakikiisa sa Earth Hour ay isang paalala ng pangangailangan ng agarang aksyon at sama-samang pagtutulungan para sa kalikasan. | ulat ni Diane Lear