Bukod sa pinalawig na operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) line 3, magdaragdag din ng tren ang Light Rail Transit (LRT) line 1 simula ngayong araw.
Ito ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ay upang umalalay sa mga pasahero lalo na aniya ngayong kasagsagan ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA.
Ginawa ni Dizon ang pahayag makaraang i-monitor ang sitwasyon sa mga pangunahing lansangan kung saan isinasagawa ang tigil-pasada, mula sa Command Center ng MMDA sa Pasig City.
Kasunod nito, inatasan din ni Dizon si Undersecretary Steve Pastor ng Road Transport and Infrastructure, na dagdagan din ang biyahe sa EDSA Bus Carousel upang hindi mabalam ang biyahe ng mga pasahero
Kasunod nito, hinimok ni Dizon ang MANIBELA na bumalik sa negosasyon upang talakayin ang kanilang mga kahilingan. | ulat ni Jaymark Dagala