Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nananatiling mataas ang porsiyento ng mga PUV operator sa bansa na nasa proseso ng consolidation.
Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, tama ang pahayag ni Transportation Secretary Vince Dizon na 43% pa lang ang kumpirmadong nasa consolidation.
Pero mayroon pa aniyang 43% ang patuloy na sumasailalim sa beripikasyon.
Kaya naman kung susumahin, nasa 86% na talaga ang mga PUV na nag-consolidate.
Katumbas rin ito ng mahigit 165,000 PUV units na may prangkisa na.
Kasunod nito, tiniyak ng LTFRB na sinisikap nitong mapabilis pa ang mga proseso para makapag-consolidate ang mga natitira pang PUV operators. | ulat ni Merry Ann Bastasa