Sa gitna ng umiinit na panahon, ilang araw nang patuloy na nagbabawas ng tubig ang Magat Dam sa Luzon.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, nagdi-discharge ng 148 CMS o Cubic Meters per Second ang dam mula sa isang gate na binuksan ng .50 meters.
Sa ulat ng PAGASA, patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa dam dahil sa mga pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon na nakaapekto sa Extreme Northern Luzon at Easterlies na nakaapekto naman sa iba pang lugar sa bansa.
Naabisuhan naman ang LGUs sa posibleng epekto ng pagbabawas ng tubig lalo na sa mga low-lying areas.
Sa ngayon, nasa 189.71 meters ang water elevation ng Magat dam, may pagitan na 3.29 meters bago maabot ang 193 meters normal water elevation ng dam. | ulat ni Rey Ferrer