Binigyan ng limang araw ng Korte Suprema ang magkakapatid na Duterte—Davao 1st District Representative Paolo Duterte, Davao City Mayor Baste Duterte, at dating presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte upang personal na magbigay ng komento kaugnay sa naging tugon ng Department of Justice.
Ito’y kaugnay ng pinag-isang petition for writ of habeas corpus ng magkakapatid na Duterte para sa kanilang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa special session ng Supreme Court en banc ngayong hapon, nilinaw ni Atty. Camille Sue Ting na hindi ito nangangahulugang kinatigan o ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ng magkakapatid na Duterte. | ulat ni DK Zarate