Matagumpay na nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office 7 at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kahong-kahong pekeng sigarilyo na iligal ipinupuslit sa bansa.
Ito’y kasunod ng ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa magkahilaway na lugar sa Brgy. Guizo, Mandaue City sa Cebu.
Sa ulat ni Police Regional 7 Director, Police Brig. Gen. Redrico Maranan sa Kampo Crame, nag-ugat ang operasyon batay sa “tip” ng isang impormante na pawang residente rin sa lugar.

Dito nasabat ang nasa 334 master cases at mahigit 167,700 pakete ng iba’t ibang brand ng sigarilyo gayundin ng limang karagdagang kahon na naglalaman ng 2,500 pakete ng sigarilyo at naibebenta sa merkado sa halagang ₱6.
Nagresulta naman ito sa pagkakaaresto ng dalawang indibiduwal na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10963 o ang Customs Modernization and Tariff Act. | ulat ni Jaymark Dagala
