Umabot sa 260 na iba’t ibang sasakyang pandagat ang na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea nitong Pebrero.
Sa bilang na ito, 19 ang namataan sa mga special features sa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga na-monitor ang siyam na Chinese Coast Guard vessels sa Bajo de Masinloc, pito sa Ayungin shoal, dalawang People’s Liberation Army Navy vessels sa Bajo de Masinloc at isa sa Ayungin shoal.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa teritoryo ng bansa at muling nanawagan sa China na itigil ang kanilang iligal at agresibong mga aksyon sa West Philippine Sea. | ulat ni Diane Lear