Nasa higit walong libong mga bakanteng trabaho ang naghihintay sa MGA naghahanap ng oportunidad.
Ito ang inanunsiyo sa Malacañang Press Briefing ni PCO Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa harap ng nagpapatuloy na programa ng pamahalaan sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo at trabaho sa taumbayan.
Sinabi ni Atty. Castro na sa nagdaang job fair na isinagawa nitong nakaraang Sabado sa Dasmarines sa Cavite ay nasa 63 ang mga na- hire on the spot habang nasa 45 naman ang agad na nabigyan ng trabaho sa Binan, Laguna.
Sa ngayon, ayon kay Castro ay Marami pa ding bukas na trabaho sa nabanggit na dalawang Lugar na aabot sa higit walong libo.
4, 12O Ang job opening pa sa Dasmariñas, Cavite habang nasa 4, 282 ang kailangan pang punang bakanteng trabaho sa Binan, Laguna. | ulat ni Alvin Baltazar