Matagumpay na naihatid ng BRP Teresa Magbanua ang mahigit 14,000 na kahon ng Family Food Packs sa Batanes kahapon March 20.
Ito ay base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na programang “Bagong Pilipinas” na naglalayong tiyakin ang paghahanda ng bansa sa lahat ng sakuna.
Mula sa Department of Social Welfare and Development ang nasabing mga food packs.
Nagtulung-tulong ang Philippine National Police (PNP), Philippine Navy (PN), Philippine Navy Marines, Philippine Air Force (PAF), Bureau of Fire Protection (BFP), Local Government Unit (LGU), at DSWD, kasama ang mga lokal na mga residente sa Batanes, para maihatid at madiskarga ang mga kahon kahon na food packs. | ulat ni Don King Zarate