Tiniyak ng Malacañang na malayang makapagsasagawa ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na makapagsagawa ng protesta para sa kaarawan nito ngayong araw.
Sa Malacañang briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na bahagi ng constitutional rights ng mga Pilipino ang magsagawa ng anomang pagtitipon at wala aniyang pipigil sa kanila para ito’y gawin.
Paalala lang aniya nila, sabi ni Atty. Castro, na huwag lalampas sa limitasyon at gawin ang pagpapahayag ng damdamin base sa kung ano ang itinatakda ng batas.
Ibang usapan na, ayon sa PCO official, kapag nagbitiw na ng katagang may kinalaman sa pagpapabagsak ng pamahalaan, maghasik ng takot, at magkaroon ng panghihikayat na magalit sa gobyerno. | ulat ni Alvin Baltazar