Sinagot ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro ang pahayag ng Chinese Foreign Ministry na isang “chess piece” ang bansa.
Ayon kay Atty. Castro, isang independent country ang Pilipinas at hindi kailanman naging chess piece ng ibang bansa gaya ng Amerika.
Binigyang diin ni Castro na walang dapat na manghimasok sa anumang gagawin, desisyon o aktibidad ng ating pamahalaan.
Kabilang na dito ang may kinalaman sa operasyong militar.
Payo na lang ni Castro sa China, mas makabubuting tumalima sa kung ano ang itinatakda ng international law at respehin ang soberanya ng ibang bansa. | ulat ni Alvin Baltazar