Nilinaw ng Manila Public Information na si Moh’d Yamen Datu Zacaria ang kasalukuyang officer-in-charge ng Public of Manila Muslim Affairs Office.
Ibig sabihin ang dating OIC ng nasabing tanggapan ay hindi na konektado sa Manila LGU.
Nakatanggap kasi sila ng impormasyon na ang dating opisyal ng Public of Manila Muslim Affairs ay nanghihingi umano ng financial support sa publiko.
Ang insidente ay kanila pang iniimbistigahan kasabay ng paalala sa publiko na mag-ingat
Nilinaw din ng Manila PIO na hindi sa kanila ang Facebook page na Office of the Mayor-Manila Muslim Affairs na nasa kontrol ng dating opisyal ng nasabing tanggapan. | ulat ni DK Zarate