Binigyang diin ng Malacañang na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas, at hindi rin pinag-uusapan ang posibilidad ng muling pagsali ng bansa sa Rome Statute.
Dahil dito, ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, walang commitment ang pamahalaan na ipatupad ang freeze order sa assets ni dating Pangulong Rodrigo Dutete, sakali man na ipag-utos na ito ng ICC.
“When it comes to the alleged incoming freeze order to be issued by the ICC, there is no commitment on our part, on the part of the administration if we will comply with any order issued by the ICC considering that the ICC as of the moment has no jurisdiction over the Philippines.” -USec Castro
Ayon sa opisyal na noong huling beses niyang nakausap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay sa pagsali muli sa Rome Statute, ngumiti lamang ang Pangulo.
“As we speak, we have not yet discussed any plan of rejoining the ICC. Iyong huli po nating nakausap ang Pangulo, tinanong po natin iyan nang personal at siya’y ngumiti lamang at sasabihin ko daw dapat na wala pa talagang napag-uusapan patungkol doon.” -Usec. Castro
Kung matatandaan, una nang sinabi ng Anti-Money Laundering Cuncil (AMLC) na sa kasalukuyan, wala pa silang natatanggap opisyal na request mula sa ICC hinggil dito, at sakali man na mayroon sasailalim pa ito sa evaluation at ko-konsultahin pa ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan kaugnay sa susunod na hakbang ng AMLC. | ulat ni Racquel Bayan