Buong suporta ang ipinangako ng Department of Transportation (DOTr) sa Maritime Industry Authority (MARINA) para sa mga repormang magpapabuti sa kapakanan ng Filipino seafarers at magpapalakas sa kaligtasan ng mga pasahero.
Sa pagbisita ni Transportation Secretary Vivencio Dizon sa MARINA Central Office, binigyang-diin nito ang pangangailangang gawing mas mabilis at madali ang proseso ng dokumentasyon ng mga seafarer, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasabay nito, iginiit din ng kalihim ang kahalagahan ng mas mahigpit na hakbang sa seguridad ng mga pasahero, kabilang ang pagpapatupad ng third-party insurance para sa mga barko upang masiguro ang proteksyon sa oras ng sakuna.
Samantala, pinasalamatan ni MARINA Administrator Sonia Malaluan ang suporta ng DOTr at tiniyak ang patuloy na pagtutok sa kapakanan ng mga marino at pasahero. | ulat ni Lorenz Tanjoco