Mahalaga ang pagbalangkas ng mga polisiya na magtataguyod ng human capital development, technology adaptation, innovation at paglikha ng dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino.
Ito ang binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na siyang susi sa pagpapanatili ng mga long-term economic growth at paghahanda sa kinabukasan ng bansa.
Sa ika-92 General Membership Assembly ng National Research Council of the Philippines (NRCP), sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na sa pamamagitan ng mga nabanggit, mapatatatag nito ang dynamic economy at masisiguro ang pag-unlad.
Kung wala ito ani Balisaca, posibleng maharap sa malaking pagsubok ang bansa lalo’t nagiging banta rin ang Atificial Intelligence at robotics sa man power at human resource bagaman makakaya naman itong kontrolin.
Isinusulong din ni Balisacan ang edukasyon at skills development para tiyakin ang pangmatagalang paglago. | ulat ni Jaymark Dagala