Makakaharap niya ang world number 4 ng Women’s Tennis Association or WTA na si Jessica Pegula ng United States of America.
Naka-abante si Eala sa Final Four ng Miami Open matapos manaig kontra sa dating world number one at currently 2nd best player sa women’s tennis na si Iga Swiatek, sa score na 6-2, 7-5, Miyerkules ng hapon sa Amerika.
Dahil sa kanyang panalo kontra sa Polish tennis superstar na si Swiatek, nasa number 75 na ang live ranking ni Eala, mula sa 140, nung siya ay pumasok sa Miami Open.
Assured na rin ang 19-year old na si Eala na makakapasok sa top 100 ng WTA rankings sa susunod na linggo, at inaasahan na mag uuwi prize money na three hundred thirty two thousand one hundred sixty US dollars or mahigit 19 million pesos. | ulat ni Aaron Bayato