Bilang pakikiisa sa Women’s Month, hinikayat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lahat ng “Juana” na lumahok at makiisa sa isasagawang Mega Jobs Fair para sa mga Babae bukas, Marso 21, 2025.
Ayon sa DMW, mahigit 4,000 trabaho sa ibayong dagat ang ihahandog ng nasa 15 licensed recruitment agencies sa ilalim ng temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”
Isasagawa ang naturang overseas Mega Jobs Fair sa 3rd floor ng Robinsons Galleria sa Ortigas, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Kabilang sa mga handog na trabaho ay ang mga approved job order sa sektor ng healthcare, engineering and construction, hospitality, farming, managerial positions, at marami pang iba. | ulat ni Jaymark Dagala