Naglatag na ng alternatibong ruta ang pamunuan ng NLEX para sa mga motoristang patungong Bulacan at Pampanga.
Kasunod ito ng nananatiling epekto sa trapiko ng nasirang Marilao Interchange Bridge matapos matamaan ng malaking trak kahapon.
Sa ngayon, hindi na muna pinapadaanan at pansamantalang nakasara ang Marilao Interchange Bridge na patungong MacArthur Highway at San Jose Del Monte.

Mabigat din ang daloy ng mga sasakyan sa Marilao Northbound habang ginamit na ring zipper lane ang isang lane ng Marilao Southbound.
Para naman sa mga motoristang patungong Bulacan at Pampanga, maaaring dumaan sa NLEX Karuhatan Exit (via NLEX Harbor Link Interchange / NLEX Paso de Blas NB Exit / NLEX Meycauayan NB Exit patungong MacArthur Highway o kaya ay pumasok sa NLEX CDV Northbound o NLEX Bocaue Interchange.
Para sa mga pabalik naman ng Maynila, dumaan sa NLEX Bocaue Southbound Interchange Exit o NLEX CDV Southbound Exit o kumanan sa MacArthur Highway at pumasok sa NLEX Meycauayan Southbound. | ulat ni Merry Ann Bastasa
