Isang walkthrough ang isinagawa ng pamunuan ng Quiapo Church nitong Huwebes ng umaga, March 20.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na Semana Santa kung saan iba’t ibang aktibidad ang isasagawa ng simbahan.
Kasama ng pamunuan ng Quiapo Church na nagsagawa ng walkthrough ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, Hijos del Nazareno, at ilang vounteers na kasama sa paghahanda.
Ilan sa mga aktibidad ang idinaraos ng Simbahang Katolika tuwing Mahal na Araw.
Sa Quiapo Church, madaling araw pa lang ng Linggo ng Palaspas ay nagkakaroon na ng pagbabasbas at prusisyon bago magsimula ang misa.
May mga pabasa rin tuwing Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo sa Plaza Miranda, at ang Triduum Celebration mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria.
Ipinuprusisyon din ang imahen ng Jesus Nazareno tuwing Biyernes Santo na dinadaluhan ng libu-libong mga deboto. | ulat ni Don King Zarate