Tinalakay sa pinakahuling sectoral meeting sa Malacañang ang mga nakalinyang programa ng Marcos Administration na layong palakasin ang agri sector ng Pilipinas.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, kabilang sa mga napagusapan ang food cold storage facilities na itatatag ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA).
“Kanina po ay nakipag-meeting po tayo para po doon sa mga housing projects at doon sa napakaganda pong mga proyekto po ng Department of Agriculture. So, marami pong pabahay na pinaplano po, at iyon pong mga food [unclear] sa mga cold storage ay nakalinya na rin po iyan.” —Usec Castro.
Bukod dito, mayroon pa aniyang mga proyekto na nasa pipeline na, na mayroon namang kinalaman sa pabahay.
Sabi ni Usec Castro, inaayos na lamang ang kakailanganin, upang maisakatuparan ng mga ahensya ang kanilang mga proyekto.
“So, iyan po ay, kumbaga, kailangan po na maayos pati budget po sa lahat para po magampanan ng bawat ahensiya iyong kanilang mga proyekto para sa taumbayan.” —Usec Castro. | ulat ni Racquel Bayan