Nakikiisa si Senate President Chiz Escudero sa mga kababayan nating Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr.
Binigyang-diin ni Escudero na ang Eid al-Fitr ay panahon ng pasasalamat, pagkakaisa, at pagbabahagi ng biyaya sa kapwa—mga katuruang aniya’y angkop sa lahat, anuman ang relihiyon o pananampalataya.
Dalangin ng Senate President na kasabay ng pasasalamat ay magbibigay-daan rin ang araw na ito para sa pagkakaisa at kapayapaan ng ating bansa.
Aniya, ang mga sakripisyong pinamalas sa panahon ng Ramadan ay paalala sa lahat ng mga Pilipino ng kahalagahan ng pagtitiis, pagmamalasakit, at pagmamahal sa kapwa.
Umaasa rin ang senador na, sa gitna ng mga isyu sa pulitika na nagdudulot ng pagkakawatak-watak, magsisilbing inspirasyon ang Eid al-Fitr para sa pagkakasundo at pagkakaunawaan ng bawat Pilipino.
Binigyang-diin naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang halaga ng pananampalataya at pagbubuklod ng mga Pilipino upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion