Aabot sa ₱30-milyong halaga ng hinihinalang puslit na asukal mula sa Vietnam ang nasamsam ng Department of Agriculture (DA) Inspectorate and Enforcement at ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.
Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Luis Azcona, inilagay sa alert order ang dumating na 10,000 sako o katumbas ng 500 tonelada ng hinihinalang smuggled na asukal matapos paghinalaan ng mga awtoridad na ‘misdeclared’ ang kargamento.
Nakadeklara itong powdery white sweetener na may label na 88% sugar at 12% glucose.
Tukoy na ng SRA ang consignee ng kargamento habang isinasailalim na rin sa masusing pagsusuri ang mga nasabat na asukal.
Kung sakali namang mapatunayang iligal na ipinuslit ang mga asukal ay isasailalim ito sa auction. | ulat ni Merry Ann Bastasa
SRA
