Bistado ang tatlong gasolinahan sa Bicol Region na nagbebenta ng smuggled fuel.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), mahigit 39,000 litro ng non compliant fuel na nagkakahalaga ng P2.6 milyon ang nasamsam sa isinagawang field testing ng Port of Legazpi.
Ayon sa BOC Enforcement and Security Service, bagsak sa compliance ang fuel marker patunay na iniwasan ang tamang buwis at taripa.
Dahil dito, agad nang naglabas ng warrant of seizure and detention laban sa mga nasabing produkto, alinsunod sa TRAIN Law.
Pahayag ni District Collector Guillermo Pedro Francia IV, patuloy ang mga hamon sa pagpapatupad ng fuel regulations ngunit titiyakin nilang mananagot ang mga lumalabag.
Bilang bahagi ng kampanya ng administrasyong Marcos laban sa smuggling, nananawagan ang BOC sa publiko na i-report ang mga kahina-hinalang bentahan ng gasolina upang mapanatili ang patas na kompetisyon sa merkado. | ulat ni Lorenz Tanjoco