Ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang kautusan hinggil sa pagsasagawa ng mga motorcade ng mga kandidato, kaugnay ng Eleksyon 2025.
Ito ay sa gitna na rin ng pag-arangkada ng kampanya para sa mga lokal na posisyon.
Sa panayam ng mga mamamahayag kay MMDA Chair Romando Artes sa Pritil, Tondo — kanyang sinabi na hindi sila magbibigay ng tinatawag na “road user permit” para sa mga motorcade sa mga kalsadang nasa hurisdiksyon ng MMDA tuwing weekdays.
Ibig sabihin, papayagan lamang nila ang motorcades sa mga lansangang nasa hurisdiksyon nila tuwing weekends at holidays.
Pwede rin aniyang tumawid subalit bawal ang pagbaybay.
Nagbabala naman si Artes na titiketan ng MMDA ang mga sasakyan na lalahok sa mga motorcade, campaign rallies at katulad na hindi naman allowed o pinayagan sa mga kalsadang nasa hurisdiksyon ng MMDA tuwing weekdays. | ulat ni Lorenz Tanjoco