Handa ang pamunuan ng Metro Rail Line 3 na palawigin ang oras ng biyahe ng tren sa gabi.
Hinihintay na lang nito ang abiso mula sa Department of Transportation (DOTr) para sa implementasyon ng night service operations.
Nauna rito, nagsagawa ng inspeksyon si DOTR Secretary Vince Dizon sa MRT 3 kaninang umaga.
Ipinag-utos nito ang pagpapalawig ng kahit isang oras sa operasyon ng tren sa gabi.
Gayundin ang pag-deploy pa ng karagdagang tren tuwing peak hours.
Sa ngayon, ipinatutupad ang huling biyahe ng MRT 3 sa North Avenue Station ng alas 9:30 ng gabi.
Habang alas 10:09 ng gabi naman ang last trip ng tren sa Taft Avenue Station. | ulat ni Rey Ferrer