Bilang pakikiisa sa fire prevention month, naglabas ng ilang paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa para sa mga residente nito.
Ayon sa LGU, ang electrical overload at mga mapanganib na kaugalian tulad ng paggamit ng “jumper,” “octopus wiring,” at overcharging ay madalas na nagiging sanhi ng sunog.
Para anila mapanatili ang kaligtasan ng tahanan at komunidad:
Iwasan ang “jumper” at magpakabit ng tamang koneksyon sa kuryente mula sa authorized providers.
Gumamit din ng tamang bilang ng appliances na kaya ng electrical outlet, at huwag pagsabayin ang malalakas gumamit ng kuryente.
Para naman maiwasan ang overcharging o electrical overload
agad na tanggalin ang charger kapag puno na ang baterya.
Gumamit ng appliances ayon sa itinakdang oras ng paggamit.
Dapat ding: Gumamit ng quality-approved wires, outlets, at appliances.
Pa-check regularly ang inyong electrical systems sa licensed electrician.
Huwag maglagay ng mga wiring sa ilalim ng carpet o mat.
Magkaroon ng fire extinguisher at fire safety training sa pamilya.
Binigyang diin ng Muntinlupa Local Goverment, na ang simpleng pag-iingat ngayon ay maaaring magligtas ng buhay at ari-arian. | ulat ni Lorenz Tanjoco