Muli nang masisilayan ng publiko ang mayamang kasaysayan ng Lungsod ng Pasig makaraang buksan muli sa publiko ang makasaysayang Museo nito matapos ang walong taong pagkukumpuni.
Ayon kay Pasig City Museum Officer-in-Charge, Ana Katrinah San Mateo, tampok sa bagong bukas na Museo ang pinagdaanan ng lungsod buhat noong ika-19 na siglo hanggang sa kasalukuyan.

Makikita rin dito ang mga katutubong pamayanan na unang nanirahan sa lungsod gayundin ang mga napanatiling tradisyon at kultura rito.
Nagbigay din ng espasyo ang Pamahalaang Lungsod sa Pamilya Concepcion na siyang nagmamay-ari ng mansyong ginawang museo.

Kabilang din sa mga nasaksihan sa okasyon ay ang pagtatanghal sa Museo ng Pasig bilang Important Cultural Property ng National Museum of the Philippines (NMP).
Bukas ang Museo ng Pasig mula Martes hanggang Linggo, alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. | ulat ni Jaymark Dagala
