Pumalo na sa 3,756 ang naitalang kaso ng dengue sa Lungsod Quezon.
Ito’y batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology Disease and Surveillance Division mula Enero 1 hanggang kahapon, Marso 17,2025.
Mas mataas ito ng 313.20% kumpara sa kaso ng dengue sa kaparehong panahon noong 2024.
Gayunman, hindi na nadagdagdagan ang bilang ng mga nasawi sa 12 katao.
Noong nakalipas na dalawang linggo, umabot sa 37 ang naitalang kaso ng dengue kada araw.
Pero mas mababa na ito kumpara sa naitalang kaso kada araw noong Pebrero 18 hanggang Marso 3, kung saan ideneklara ang dengue outbreak.
Payo pa ng QC-ESD para naiwasan ang dengue mahalagang sundin ang mga hakbang upang maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa lamok na may dala ng sakit. | ulat ni Rey Ferrer