Pinabulaanan ni National Security Adviser Eduardo Año ang mga kumakalat na impormasyon na kasama siya sa nagplano ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, giniit din ni Año na wala siyang alam sa sinasabing “core group” na nagplano ng pag-aresto sa dating pangulo.
nilinaw ng opisyal na limitado lang ang kanIyang naging papel sa pagsisiguro na hindi magiging isang national security concern ang pag-aresto kay duterte.
hindi na aniya sakop ng kanIyang mandato ang naging pag-aresto ng ICC.
Sinabi rin ni Año na walang nangyaring intelligence operations kaugnay ng insidente. | ulat ni Nimfa Asuncion