Target ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mas palakasin pa ang kakayahan nito na magampanan ang tungkulin ng pagtiyak ng seguridad sa Metro Manila, maging sa mga foreign national na nakatira dito.

Kaya naman pinagtibay ng NCRPO at ng Embahada ng South Korea ang kanilang kooperasyon para sa seguridad ng Korean community sa Metro Manila.
Sa isang pagpupulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig, tinanggap ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Acting Regional Director ng NCRPO, si Consul General Sang Seung Man upang talakayin ang pagpapalakas ng law enforcement efforts.

Tinutukan sa pulong ang pagpapahusay ng crime prevention strategies, police responsiveness, at mas epektibong pagtugon sa mga seguridad na isyu sa rehiyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco