Muling itataas sa ‘heightened alert’ ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang security status nito simula mamayang 5:00 PM bilang paghahanda sa mga inaasahang caravan sa Metro Manila.
Ito ay matapos ang pag-aresto kay dating Panguling Rodrigo Duterte.
Sa panayam sa Kampo Crame, sinabi ni NCRPO Chief PBGen. Anthony Aberin, bahagi ito ng kanilang paghahanda kaugnay ng inaasahang caravan na isasagawa bukas ng isang hindi pa nakikilalang grupo.
Bagama’t wala pang grupong nag-aapply ng permit para sa malalaking rally, may namonitor umano ang NCRPO na caravan na magsisimula sa Quezon Avenue at magtatapos sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Tiniyak din ni Aberin na sapat ang bilang ng mga pulis na ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang mapanatili ang kaayusan at seguridad. | ulat ni Diane Lear