Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Pilipinas para sa pagpapadala ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Myanmar, na niyanig ng magnitude 7.7 na lindol noong nakaraang linggo.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management (AHA Center) upang mapabilis ang koordinasyon sa National Disaster Management Office ng Myanmar.
Kasama sa ipapadala ng Pilipinas sa Myanmar ang ilang tauhan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng OCD, Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, MMDA, DOH, at ilang kinatawan mula sa pribadong sektor upang tumulong sa mga kinakailangang hakbang para sa disaster response. | ulat ni Diane Lear