Inanunsyo ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) na balik na sa normal ang daloy ng mga sasakyan sa northbound portion ng expressway mula Balintawak hanggang Meycauayan.
Ayon sa NLEX, simula kaninang alas-6 ng umaga, bumalik na sa normal ang operasyon sa expressway at bukas na rin ang lahat ng apat na linya sa Marilao northbound area.
Dahil dito, balik na rin ang paniningil ng toll sa NLEX-Marilao.
Nagpasalamat naman ang NLEX sa pang-unawa ng mga motorista at suporta ng kanilang mga stakeholder. | ulat ni Merry Ann Bastasa