Nag-ikot muli ang mga tauhan ng Quezon City Department of Public Order and Safety para magsagawa ng Oplan Baklas sa mga campaign materials na nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar.
Bahagi pa rin ito ng pagsunod sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010 kung saan ipinagbabawal ang pagpaskil ng streamers, tarpaulins, signboard, billboard, political propaganda, at anumang uri ng advertising paraphernalia sa mga hindi awtorisadong lugar.

Karamihan sa mga nakumpiska ay mga campaign posters ng mga tumatakbong politiko na ikinabit sa mga poste ng kuryente at mga pampublikong pasilidad.
Kasunod nito, muling ipinapaalala ng pamahalaang lungsod sa mga kandidato na may Common Poster Areas sa lahat ng distrito sa Quezon City na itinalaga ng COMELEC sa panahon ng kampanya. | ulat ni Merry Ann Bastasa
