Labis na naaalarma si Representative Arlene Brosas sa pagbaha ng fake news at misinformation sa social media.
Kaya mahalaga aniya na dumalo ang mga pina-subpoena na social media personalities sa pagdinig ng Tri-Comm bukas, para matukoy kung paano ba ang sistema ng pagbabahagi nila ng mga balita at impormasyon.
Naniniwala si Brosas na may sistema at organisado ang ginagawa ngayong pagpapakalat ng fake news online, matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nakakalungkot aniya ilan sa mga biktima ng extra judicial killings (EJKs) ay kinukuyog ng trolls online.
Sabi pa ng lady solon, na maaaring ang mga OFW ay nalilinlang din ng pekeng salaysay ng kampo ng mga Duterte.
Mas madalas kasi aniya na sa social media kumukuha ng update ang mga kababayan natin abroad. Ngunit binabaha naman aniya ito ng mga maling impormasyon. | ulat ni Kathleen Forbes