Muling pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sectoral meeting kaninang umaga.
Sentro ng naging pulong ng Pangulo at ilang miyembro ng gabinete ang patungkol sa housing program ng administrasyon at mga nakalinya pang proyekto at programa ng Department of Agriculture.
Sinabi ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na bukod sa marami pang pabahay na pinaplano ay nakalinya na rin ang food cold storages na itatatag ng gobyerno sa pangunguna ng Agriculture Department.
At kasabay ng mga naka-line up na proyektong may kinalaman sa pabahay at agrikultura, sinabi ni Atty. Castro na napag-usapan din ang kakailanganing budget ukol dito.
Ilan sa mga kasamang dumalo sa sectoral meeting sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, NEDA Sec. Arsenio Balisacan, Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman at Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go. | ulat ni Alvin Baltazar