Muling binuhay ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang panawagan nitong ibalik ang tinapyas na taripa sa mga imported na bigas.
Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng presyo ng imported rice sa merkado.
Ayon sa SINAG, welcome sa kanila ang posibilidad na umabot sa P45 ang MSRP na ipatupad sa imported na bigas.
Gayunman, naniniwala ang grupo na ang pagpapatupad ng MSRP at deklarasyon ng food security emergency upang mapababa ang presyo ng imported na bigas ay isang pagkilala sa kabiguan ng EO 62.
Kaya naman, sa pamamagitan ng Tariff Commission, patuloy aniya nilang ihihirit na ibalik sa 35% (ASEAN) at 50% (non-ASEAN) ang taripa sa imported na bigas. | ulat ni Merry Ann Bastasa