Positibo ang pagtanggap ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa naitalang pagbagal ng inflation sa buwan ng Pebrero sa 2.1%.
Ngunit mas magandang balita aniya ang 5% year-on-year na pagbaba sa presyo ng bigas.
Kailangan naman aniya ipagpatuloy ang supply-affirming initiatives gaya ng farm inputs at pagpapabuti sa logistics gaya ng cold storage para sa benepisyo ng prutas at gulay.
Mahalaga din na madagdagan aniya ang mga pantalan at mapababa ang halaga ng inter-island trade.
Mungkahi pa niya na amyendahan ang Cabotage Law na nagbabawal sa mga foreign shipping companies na silbihan ang Philippine inter-island trade.
Pagdating naman sa bumababang huli ng isda, itinutulak ng House Tax chief na palakasin ang aquaculture. | ulat ni Kathleen Jean Forbes