Bukod sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas sa karagatan, prayoridad din ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagbibigay ng tulong sa mga mangingisda sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea, nagsimula silang magbigay ng fuel subsidy at food items sa mga mangingisda simula nang maging pangulo si President Marcos Jr. noong 2022.
Nais aniyang matiyak ng pamahalaan na makakatagal sa karagatan ang mga Filipino fishermen at makakahuli ng mas maraming lamang-dagat.
Kahapon, nakita ng PCG at BFAR ang 26 na Filipino fishing vessels malapit sa Bajo de Masinloc at binigyan nila ito ng fuel subsidy at food items. | ulat ni DK Zarate