Welcome para kay Negros Oriental 1st District Representative Jocelyn Limkaichong ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na ilagay sa red category ng areas of concern ang Guihulngan City.
Aniya, kinikilala ng poll body ang kasaysayan ng election-related violence at harassment na palagi aniyang nangyayari sa lungsod.
Ang pagsasailalim ng lungsod sa red category ay hakbang aniya para masiguro ang isang payapa at ligtas na eleksyon.
Panawagan ng kinatawan sa mga otoridad na maging alerto para matiyak na bawat Guihulnganon ay makaboto ng walang takot.
Paalala niya, na nabubuhay ang demokrasya kapag malayang naihahayag ng taumbayan ang kanilang kalooban.
Sa kasalukuyan, nasa 36 na lugar ang nasa ilalim ng red category para sa areas of concern ng COMELEC at maaari pa mabago oras na magsimula ang local campaign. | ulat ni Kathleen Forbes