Inaasahan ng pamunuan ng NLEX na matatapos sa loob ng dalawang linggo ang pagkukumpuni sa Marilao Interchange Bridge.
Batay sa pinakahuling update, nakumpleto na ng NLEX ang pag-install ng mga steel support sa mga bahagi sa ilalim ng tulay.
Habang nagpapatuloy naman ang pagkukumpuni, nagbubukas ng mga karagdagang lane ang NLEX para makatulong sa pagbabawas ng pagsisikip ng trapiko sa northbound.
Dahil dito, tatlong lane na ang nagagamit ng mga motorista pa-northbound bukod pa sa zipper lane sa southbound.
Kasunod nito, tiniyak ng pamunuan ng NLEX na pinapaspasan na nila ang pagsasaayos at pagpapanumbalik sa normal na daloy ng mga sasakyan sa expressway.
Patuloy nitong hinihikayat ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Mananatili rin umanong naka-deploy sa lugar ang mga patrol at traffic marshal para gabayan ang mga motorista at agad na tumulong sa mga nangangailangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa