Muling nagpulong sa ika-walong pagkakataon ang National Innovation Council (NIC).
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naturang pagpupulong kasama si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan bilang vice-chairperson ng konseho.

Dito, tinalakay ang mga plano ng pamahalaan para sa paghahanda ng bansa gayundin sa adoptation ng Artificial Intelligence (AI).
Bilang Secretariat ng NIC, inilatag ng NEDA ang mga usapin tungkol sa paggagawad ng innovation grants para rito.
Ang NIC ay nagsisilbing pinakamataas na policy-makig body ng pamahaaan para sa National Innovation Development. | ulat ni Jaymark Dagala
