Inihayag ni Speaker Martin Romualdez ang commitment ng Kongreso para magkaroon ng isang matatag na industriya ng real estate sa bansa, sa gitna ng malaking tulong nito sa ekonomiya ng bansa.
Sa mensahe ng lider ng Kamara sa anibersaryo ng RE/MAX Philippines na isa sa mga nangungunang real estate sa bansa, kinilala niya ang kontribusyon ng real estate katatagan, progreso at oportunidad para sa mga pamilyang Pilipino.
Makakaasa aniya ang real estate sector na isusulong ang mga polisiya para maging competitive ang naturang sektor.
Sa paraan aniyang ito ay mas magiging abot kamay para sa mga pamilyang Pilipino na sila ay magkaroon ng bahay.
“As Speaker of the House of Representatives, I fully recognize the vital role that real estate plays in our economy. That is why we in Congress continue to support policies that foster a strong, competitive, and sustainable real estate sector—ensuring that businesses like RE/MAX thrive and that homeownership remains an achievable dream for many Filipinos,” saad ni House Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes